Iimbestigahan ng Department of Justice si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez matapos himukin ang militar na i-withdraw ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos niya na pag-aralan ang statement ni Alvarez upang malaman kung pasok ito sa level ng sedition, inciting to sedition, o rebellion.
Pinaalalahanan ni Remulla ang dating speaker na umakto nang naaayon sa pinakamataas na pamantayan ng moralidad at nasyonalismo, at iwasan din nitong magkomento nang hindi nararapat para sa isang miyembro ng Kongreso.
Samantala, nagpahayag naman ng kahandaan si Alvarez na tumugon sakaling mayroong magsampa ng reklamo laban sa kaniya.