dzme1530.ph

PBBM, ininspeksyon ang P13.3-B illegal drugs na nasabat sa Alitagtag, Batangas

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P13.3 Billion na halaga ng shabu na nasabat sa Alitagtag, Batangas.

Kasama si Interior Sec. Benhur Abalos, nagtungo ang Pangulo sa Brgy. Pinagkrusan ngayong Martes ng umaga upang inspeksyunin ang droga.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng Pangulo na maaaring umabot sa 1.8 tons ang bigat ng nasabat na shabu, at batay umano sa status report ay nasa very high quality at high potency ang droga matapos ang isinagawang test ng PNP.

Ang P13.3-B na shabu ay nasabat sa isang police checkpoint sa Alitagtag mula sa isang van kahapon araw ng Lunes.

Sinabi naman ni Marcos na sa ngayon ay iniimbestigahan na kung saan nanggaling at saan idinaan ang drug shipment na maaaring ito nang pinaka-malaking drug haul sa kasaysayan ng bansa.

About The Author