Nagbabala si MANIBELA President Mar Valbuena na asahan na bago sumapit ang May 1 ay mas marami pa silang ikakasang kilos-protesta para tutulan ang PUV Modernization Program ng pamahalaan.
Ngayong Martes ang ikalawang araw ng tigil-pasada na ikinasa ng transport groups na PISTON at MANIBELA, sa harap ng nalalapit na April 30 deadline sa consolidation na bahagi ng isinusulong na modernisasyon ng gobyerno.
Samantala, inihayag ng LTFRB na wala silang na-monitor na anumang pagkagambala sa pampublikong transportasyon, kahapon, sa kabila ng nationwide strike.
Sinabi ng ahensya na hindi rin nila dineploy ang kanilang units para sa libreng sakay upang tulungan ang mga maaapektuhang pasahero.