dzme1530.ph

Bantang pagharang at pananakot ng mga tsuper sa mga bumabiyaheng jeepney, babantayan ng LTFRB

Magbabantay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa posibleng pagharang at pananakot ng mga Grupong PISTON at MANIBELA sa mga buma-biyaheng jeepney at bus, sa harap ng ikinasang dalawang araw na transport strike.

Sa Bagong Pilipinas ngayon public briefing, inihayag ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na naka-antabay ang rescue buses sa pakikipagtulungan sa MMDA, DOTr, at gayunin sa pulisya, para sa critical areas na maaaring magkaroon ng mga panghaharas.

Sa kabila nito, sinabi ni Guadiz na sa ngayon ay wala pang nakitang pangangailangan sa rescue buses dahil tuloy-tuloy ang pagsakay ng mga pasahero at wala ring mahahabang pila.

May mga na-obserbahan lamang umanong pagkukumpol-kumpol ng mga jeepney sa UP Diliman na maaaring nais lamang magpahiwatig ng kanilang hinaing sa gobyerno.

Iginiit ng LTFRB na nasa 77% na ang consolidation rate na patunay na marami na ang naniwala at sumama sa progama ng gobyerno.

About The Author