dzme1530.ph

Speaker Romualdez, pinuri si PBBM sa matagumpay na trilateral summit

Tinawag na “monumental diplomatic victory” ni House Speaker Martin Romualdez ang mga nabuo sa trilateral summit nina US Pres. Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida, at Pang. Bongbong Marcos, Jr.

Sa isang pahayag sinabi ni Romualdez na sa ngalan ng buong House of Representatives, pinupuri at pinasasalamatan nito si PBBM sa napaka matagumpay na summit.

Ilan sa mga napagkasunduan ay ang kooperasyon sa pagresolba sa regional challenges, sa pangunguna ng maritime security, pagsiguro sa territorial integrity, at pagpapaangat sa kabuhayan ng Pilipino.

Sa Joint Vision Statement nina Marcos, Biden at Kishida, nagkaisa sila sa pagsusulong ng rules-based international order sa South China Sea sa harap ng agresibong aksyon ng China.

Kinondena rin ang mga mapanganib at pangha-harass ng China Coast Guard, ang militarization sa reclaimed features at unlawful maritime claims sa SCS.

Bukod sa isyu ng security, inilunsad rin ang Luzon Economic Corridor na magbubukas ng maraming investment, trabaho at opportunidad sa mga Pilipino.

About The Author