Binatikos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Marcos Administration, pati na ang mga hakbang na baguhin ang saligang batas.
Sa pagtitipon na tinawag na “Defend the Flag Peace Rally” sa Tagum City, Davao del Norte, kagabi, binanatan ng dating pangulo ang isinusulong na charter change.
Sa wikang bisaya, sinabi ni Duterte na hindi kaaya-aya na ang isang tao o ang isang administrasyon, ay gagawa ng paraan para pahabain ang kanilang termino, na hanggang anim na taon lamang dapat.
Sa huling bahagi ng kanyang talumpati, ipinaalala muli ng dating punong ehekutibo kay Pangulong Bongbong Marcos ang nangyari sa ama nito.
Pinayuhan ni duterte ang pangulo na masaya nitong tapusin ang anim na taong termino at makontento sa panahon na ibinigay ng Panginoon na makapagsilbi sa bayan.