dzme1530.ph

Ban sa e-bikes at e-trikes sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, simula na ngayong Lunes

Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng ban sa e-bikes, e-trikes, at mga kahalintulad na sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA General Manager Procopio “Popoy” Lipana, ang mga mahuhuli ngayong Lunes at bukas ay makatatanggap lang muna ng warning.

Gayunman, pagsapit ng Miyerkules ay mahigpit nang ipatutupad ang regulasyon, kasama ang mga kaukulang parusa.

Sinabi ni Lipana na ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P2,500, habang ang mga sasakyan na walang rehistro ay ma-i-impound.

Idinagdag ng MMDA official na pinapayagan naman ang e-bikes at e-trikes na tumawid sa kalsada o gumamit ng u-turn slots sa distance limit na 500 meters.

About The Author