dzme1530.ph

Palawan, mino-monitor ng DOH dahil sa local transmission ng Malaria

Mahigpit na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang mga lugar sa Palawan bunsod ng local transmission ng Malaria.

Ayon kay Dr. Kim Patrick Tejano ng DOH – Disease Prevention and Control Bureau, nasa 680,000 na katao ang nanganganib na maapektuhan ng Malaria sa southern part ng Palawan.

Kaugnay nito, namahagi ang kagawaran ng insecticidal net, tulad ng kulambo para hindi makapasok o makagat ng lamok ang mga nasa loob nito, partikular sa gabi dahil ang malaria vectors anopheles mosquito ay isang night-biters.

Dagdag ni Tejano, isinasapinal na ng pamahalaan ng Palawan ang kanilang Malaria Accelerated, Elimination, and Sustainability plan.

Sa datos, nasa 6,248 cases ng Malaria ang naitala noong 2023, na doble mula sa 3,245 cases na naiulat noong 2022.

About The Author