dzme1530.ph

VP Sara, ipinagtanggol ng Pangulo sa pananahimik kaugnay ng WPS issue

Ipinagtanggol ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Vice President Sara Duterte-Carpio kaugnay ng pananahimik nito sa isyu sa West Philippine Sea.

Sa media interview sa Washington DC USA, inihayag ng Pangulo na bagamat si Duterte-Carpio ay bahagi ng gobyerno, ang kanya namang tungkulin bilang Education Sec. ay walang kaugnayan sa isyu sa China.

Pinuri rin ni Marcos ang sinabi sa kanya ng pangalawang pangulo na tututok lamang ito sa kanyang trabaho.

Kung mayroon umano itong seryosong pananaw tungkol sa foreign policies, sigurado naman umanong idudulog ito sa kanya ng bise-presidente.

Mababatid na naniniwala na si Marcos na nagkaroon ng gentleman’s agreement sa China kaugnay ng WPS ang ama ni Duterte-Carpio na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

About The Author