Naniniwala na si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na nagkaroon ng secret agreement si dating Pang. Rodrigo Duterte sa China kaugnay ng West Philippine Sea.
Sa media interview sa sidelines ng PH-US-Japan trilateral summit sa Washington DC USA, inihayag ng Pangulo na nahihiwagaan pa rin siya sa gentleman’s agreement na kinumpirma na ng Chinese Embassy.
Kaugnay dito, nais malaman ni Marcos kung ano ang nilalaman ng kasunduan, at kung ano ang ipinangako ng Administrasyong Duterte sa China.
Nagtataka rin ang Pangulo kung bakit walang ginawang documentation, record, o pag-aanunsyo sa kasunduan si Duterte na isang beteranong abogado.
Sa kabila nito, handa pa rin umanong makipag-usap si Marcos sa dating pangulo, at mas mainam din umanong direkta nang ipadala sa kanya ang mga materyales kaugnay ng secret agreement.