Tiwala si Sen. Jinggoy Estrada na maipapasa na ang kanyang panukala para sa kapakanan ng mga manggagawa sa movie and television industry bago ang break ng Kongreso sa Hunyo.
Sa adoption aniya ng Kamara sa bersyon ng Senado sa proposed Eddie Garcia Law, maaari ng maipasa sa Malacañang ang enrolled bill.
Nakasaad sa panukala ang istriktong, pagpapatupad ng eight-hour working time hanggang sa maximum na 14 oras, o kabuuang 60 oras kada linggo.
Minamandato rin sa panukala ang pagkakaloob ng insurance coverage sa lahat ng manggagawa sa panahon ng aksidente o pagkamatay ng manggagawa sa gitna ng movie o TV production, right to self-organization at collective bargaining, at proteksyon mula sa karahasan, harassment, at anumang pangyayari na makakaapekto sa manggagawa.
Dapat ding mayroong employment contracts, transportation expenses, social security, at welfare benefits ang mga manggagawa.
Itatatag din ang isang Movie and Television Industry Tripartite Council na bubuuin ng mga kinatawan mula sa gobyerno, employers at industry workers.