Nananatiling positibo sa toxic red tide ang pitong baybayin sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR).
Kabilang na rito ang coastal waters ng Milagros, Masbate; Dauis at Tagbiliran, Bohol; San Pedro Bay, Samar; Matarinao Bay, Eastern Samar; Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur; at San Benito, Surigao del Norte.
Samantala, batay naman sa huling laboratory examination results ng BFAR, ligtas sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish sa Manila Bay, Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan at Bataan.
Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimangong nakukuha sa nasabing lugar basta’t siguraduhin lamang na sariwa ang mga ito at lutuing mabuti.