Tumataas na ang bilang ng produksiyon ng palay sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng United States Department of Agriculture (USDA).
Inaasahang sumipa sa 12.6 MMT ang milled rice production ng bansa, mas malaki kumpara sa naitala nang nakaraang buwan na 12.3 MMT.
Sa pagdami ng ani ngayong taon, nakikitang bababa sa 3.9 MMT ang bilang ng rice importation sa Pilipinas, kumpara sa nakaraang projection na nasa 4.1 MMT.
Samantala, nananatili pa ring numero uno ang bansa na ‘top rice importer’, sinundan naman ng Indonesia na may 3.5 MMT rice import at European Union na may 2.3 MMT.