Karagdagan pang investments ang inaasahang darating sa Pilipinas matapos suportahan ng Estados Unidos at Japan ang microchip industry at digital initiatives ng Pilipinas.
Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez si Pang. Bongbong Marcos, Jr. sa nakuhang suporta sa dalawang bansa para sa expansion ng microchip industry at patatagin ang digital connectivity.
Sa Joint Vision Statement matapos ang historic trilateral meeting nina Marcos, US Pres. Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida, nagkasundo silang ituloy ang “new semiconductor workforce development initiative.”
Sa ilalim ng inisyatiba, ang mga estudyante sa Pilipinas ay sasailalim sa “world-class training” mula sa mga nangungunang unibersidad sa Amerika at Japan para umangat ang semiconductor supply chains.
Ito ayon kay Romualdez ang huhulma sa Pilipinas bilang sentro ng investment, job creation, business expansion partikular sa IT-related enterprises, at livelihood sa kabuuhan.