dzme1530.ph

Sapat at murang kuryente sa Pilipinas, posible na —House Speaker

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na malapit nang maisakatuparan ang pagkakaroon ng nuclear energy sa bansa tungo sa inaasam na sapat, reliable at cheaper electricity sa Pilipinas.

Bago ang historic trilateral summit nina US Pres. Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida, at Pres. Bongbong Marcos, Jr., muling nag-usap sa ikalawang pagkakataon ang Pangulo at key executives ng Ultra Safe Nuclear Corporation (USNC).

Focus ng pag-uusap ay ang investment plans ng USNC sa Pilipinas.

Si Marcos at USNC ay unang nagkita sa sidelines ng APEC Summit noong Nobyembre sa San Francisco, kung saan sinaksihan nito ang signing agreement sa pagitan ng Meralco at USNC para sa deployment ng Micro Modular Reactors (MMRs).

Ang MMRs ay mas maliit sa traditional reactors kaya maliit ding lugar ang kailangan para itayo ito at ideal sa mga remote areas bilang suporta sa mga existing power grids sa urban locations.

Ibinida rin ni Romualdez na pasado na sa Kamara ang HB 9293 o “Philippine National Nuclear Energy Safety Act” noon pang Nobyembre, habang ang HB 9876 o “Philippine Nuclear Liability Act” ay pumasa na rin noong March 4, 2024.

About The Author