Nangako ng suporta ang America at Japan para sa pag-develop ng critical at emerging technologies, at semiconductor workforce sa Pilipinas.
Sa joint vision statement matapos ang makasaysayang trilateral summit sa Washington D.C., USA, isinulong ang pag-develop sa semiconductor workforce kung saan ang mga estudyante mula sa Pilipinas ay tatanggap ng world-class training mula sa mga nangungunang American at Japanese universities.
Sa pamamagitan umano ng pagpapalawak ng semiconductor investments sa Pilipinas, mapalalakas ang supply chain resiliency ng tatlong bansa.
Samantala, bukas din ang USA na maglaan ng $8-M para sa field trials ng open radio access network (ORAN) at pagbubukas ng asia open RAN academy sa Pilipinas, sa tulong na rin ng Japan.
Inaasahan din ang pagsasagawa ng kauna-unahang trilateral cyber at digital dialogue ng tatlong bansa ngayong taon.