dzme1530.ph

PBBM, nakipagpulong sa Google para sa digital skills training sa mga Pilipino

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa US technology giant na Google sa sidelines ng PH-US-Japan trilateral summit sa Washington D.C., USA.

Tinalakay ng Pangulo ang kolaborasyon para sa pagpapalawak ng digital skills training sa mga Pilipino.

Pinag-usapan din ang mga programa sa cybersecurity at pagtataguyod ng safe digital space.

Kasabay nito’y kinilala ng Pangulo ang malaking kontribusyon ng Google lalo na sa pagpapalakas ng internet independence at infrastructure ng Pilipinas.

Pinuri rin ang kanilang financial investments, digital literacy projects, pagtataguyod sa online safety sa mga bata, at pag-suporta sa paglago ng MSMEs.

About The Author