Mahigit 7,000 paaralan na sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagsuspinde ng in-person classes at lumipat sa alternative delivery modes bunsod ng banta ng napakainit na panahon.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Education (DepEd), kabuuang 7,080 mula sa 47,678 schools sa bansa o 14.8% ang nagsuspinde ng face-to-face classes.
Karamihan sa mga apektadong paaralan ay mula sa Central Luzon na nasa 1,903; sumunod ang Central Visayas na may 870 at Western Visayas na mayroong 862.
Sa National Capital Region, 311 eskwelahan ang nagpapatupad ng alternative delivery modes, gaya ng online o modular classes.