Plano ng Pilipinas, America, at Japan na magkasa ng mas marami pang joint naval training at exercises.
Ito ay kasabay ng pagpapabatid ng labis na pagkabahala sa mga agresibo at mapanganib na aksyon ng China sa South China Sea.
Sa joint vision statement kaugnay ng makasaysayang PH-USA-Japan trilateral summit sa Washington DC, sinabing pinagtibay ang trilateral defense cooperation para sa pagtataguyod ng domain awareness, kaakibat na rin ng humanitarian assistance at disaster relief.
Tiniyak din ang patuloy na pag-suporta ng America at Japan para sa modernisasyon ng pwersa ng Pilipinas.
Naninindigan din ang tatlong bansa sa mariing pagtutol sa mga hakbang ng Chinese Coast Guard at Maritime Militia upang harangin ang offshore resource exploitation at freedom of navigation ng Pilipinas sa sarili nitong Exclusive Economic Zone.