dzme1530.ph

Filipino Canadian, arestado sa NAIA T1 dahil sa bomb joke

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang isang 65-anyos na Filipino-Canadian dahil umanoy sa bomb joke sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Base sa report ng aviation security unit papasok na ang pasahero sa check-in counter ng Philippine Airlines para sa proseso ng kanyang bagahe ng magsalita na granada lang naman ang laman niyan na nagdulot ng pangamba sa mga kawani ng Paliparan.

Agad naman humingi ng tulong ang PAL Management sa mga tauhan ng PNP-AVSEGROUP, na agad namang rumesponde at inaresto ang pasahero.

Kasunod nito isinagawa, ang paneling sa mga bagahe ng suspek ng AVSECU EOD/K9, kung saan nakumpirma na walang anumang materyales na pampasabog.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng NAIA Police Station 1 ang suspek, habang inihahanda ang kasong kriminal para sa paglabag sa PD 1727 para sa Inquest Proceeding.

Pinaalalahanan ni PBGen. Christopher N Abrahano, Director, PNP AVSEGROUP, ang publiko na iwasang gumawa ng anumang uri ng biro tungkol sa bomba at mga pampasabog dahil ito ay may legal na kahihinatnan.

About The Author