Nagtatag ang Pilipinas, America, at Japan ng makasaysayang trilateral alliance para sa pagtatanggol sa Indo-Pacific Region.
Sa trilateral summit na ginanap sa White House sa Washington DC, USA, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kina-kailangan ang commitment ng bawat isa para sa kapayapaan, kaayusan, at kasaganahan sa Indo-Pacific sa harap ng mga hamon sa international rules-based order.
Binigyang-diin naman ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang kahalagahan ng multi-layered cooperation para sa international order at rule of law.
Pinuri naman ni US President Joe Biden ang “new era of partnership” ng tatlong bansa na naka-angkla umano sa pagtataguyod sa Indo-Pacific na malaya, bukas, at masagana para sa magandang hinaharap.
Muli ring pinagtibay ni Biden ang “ironclad defense commitment” sa Pilipinas at Japan, kasabay ng pagtitiyak sa pagsunod sa PH-USA mutual defense treaty na gagamitin sakaling makaranas ng anumang pag-atake ang aircraft, sea vessels, at military force ng Pilipinas sa South China Sea.