dzme1530.ph

6M doses ng bakuna kontra pertussis, darating sa Hulyo

Inaasahan ang pagdating ng anim na milyong doses ng pentavalent vaccine na magbibigay ng proteksyon laban sa Pertussis at iba pang mga sakit, sa Hulyo.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ang 5-in-1 vaccine ay maaaring ibigay sa mga sanggol na 6 weeks pataas, sa gitna ng lumulobong kaso ng “whooping cough” sa bansa.

Bukod sa Pertussis, maari ring magbigay ng proteksyon ang pentavalent vaccine laban sa Diphtheria, Tetanus, Hepatitis B, at Haemophilus Influenza Type B.

Una nang inanunsyo ng DOH Chief na posibleng magkaroon ng shortage ng bakuna sa Mayo dahil paubos na ang stocks ng national government, at 64,400 doses na lamang ang natitira, as of March 25.

Sa pinakahuling tala ng DOH, umabot na sa kabuuang 1,112 ang kaso ng pertussis sa buong bansa, kabilang ang 54 na nasawi, simula Jan. 1 hanggang March 30, 2024

About The Author