dzme1530.ph

Vloggers sa viral na tarsier video, kinasuhan ng DENR

Sinampahan ng reklamo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang vloggers dahil sa pag-maltrato sa Philippine tarsiers sa Polomolok, sa South Cotabato.

Ayon sa DENR-Region 12 (Soccsksargen), isang formal complaint ang inihain laban sa content creators sa likod ng “farm boys” na sina Ryan Parreño at Sammy Estrebilla bunsod ng paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Act of 2001.

Sinabi ni DENR Regional Executive Director Felix Alicer na ang pagsasampa nila ng kaso laban sa violators ay upang hindi na pamarisan pa ng iba.

Sa viral video, makikitang hawak ng vloggers ang dalawang tarsier habang tumatawa.

Umapela naman ang opisyal sa publiko na tulungan ang denr na mapangalagaan at ma-preserve ang wildlife species, pati na rin ang kalikasan.

About The Author