dzme1530.ph

World-class at abot-kayang gamutan para sa cancer, handog ng isang ospital

Ipinasilip ng mga kinatawan ng Healthway Cancer Care Hospital (HCCH) ang world-class facility nito na siyang kauna-unahang cancer specialty hospital sa Pilipinas na nag-aalok ng iba’t-ibang serbisyong medikal kabilang ang consultation, imaging, chemotherapy, radiation therapy at surgery.

Abot-kayang gamutan

Ayon kay AC Health President Paolo Borromeo, ang pagtatayo ng nasabing pasilidad ay isang patunay sa commitment ng AC Health na mapabuti at maging dekalidad ang gamutan sa sakit na cancer sa bansa sa abot-kayang halaga.

“Our vision is to lead in cancer care, providing world-class treatment at a lower cost, thus extending the best value to a wider base of Filipinos.” saad ni Borromeo.

Ibinahagi din ni Borromeo na abot-kaya ang kanilang iniaalok na mga serbisyo, halimbawa nito ang PET/CT scan na nagkakahalaga lamang ng 50,000 piso sa kanila, samantalang aabot sa higit 100,000 piso sa ibang ospital. Ang tinatawag na “cancer pill” na nagkakahalaga ng 10,000 piso sa merkado, sa kanila naman ay 4,000 piso lamang.

Dekalidad serbisyo at pasilidad

Ipinagmamalaki ng Healthway Cancer Care Hospital (HCCH) ang iba’t-ibang dekalidad na serbisyo at pasilidad nito na makatuon sa kaginahawaan at kagalingan ng kanilang mga pasyente, kabilang na dito ang radiation oncology section na mayroong makabagong Varian Linear Accelerator, 18 chemotherapy infusion hubs para sa pagsasagawa ng chemotherapy at immunotherapy, 4 na specialized operating theatres at dalawang makabagong endoscopy rooms para sa iba’t-ibang uri ng cancer tulad ng colectal, breast, lungs, head at neck cancer. Ang HCCH ay mayroong 100-bed capacity at 12-beds para sa Intensive Care Unit (ICU).

Patuloy din ang partnership ng HCCH sa mga international medical institutions tulad ng Siemens Healthineers, Varian, Roche, Astrazeneca, at Merck & Co. upang masiguro ang dekalidad at abot-kayang serbisyo para sa mga Pilipino.

Ang Healthway Cancer Care Hospital (HCCH) ay nasa ilalim ng AC Health na subsidiary ng Ayala Corporation.

Para sa mga karagdagang detalye at impormasyon, bisitahin ang kanilang website (www.achealth.com.ph) o facebook page @ACHealthPHL para sa mga updates.

###

About The Author