Pumalo na sa kabuuang 5,844 na paaralan sa buong bansa ang nagsuspinde ng in-person classes at lumipat sa alternative delivery modes, sa gitna ng nararanasang napakatinding init ng panahon.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), ang Central Luzon ang nakapagtala ng pinakamaraming eskwelahan na nagsuspinde ng face-to-face classes na nasa 1,124.
Sumunod ang mga rehiyon ng Central Visayas, 792; Soccsksargen, 678; Bicol Region, 634; at Zamboanga Peninsula, 610 schools.
Samantala, sa National Capital Region, 306 na paaralan ang nagpapatupad ng alternative delivery modes, gaya ng online o modular classes.