dzme1530.ph

Malacañang, hinimok magpalabas ng kautusan para sa adjusted working hours sa mga ahensya ng gobyerno

Hinikayat ni Senador Francis Tolentino si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-isyu ng executive order alinsunod sa rekomendasyon ng Metro Manila Council (MMC) para sa uniformity ng working hours sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Kasunod ito ng desisyon ng MMC na iadjust ang working hours na mula ala-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Sinabi ni Tolentino na isa ito sa proactive approach ng MMC upang solusyunan ang matagal nang problema sa traffic congestion sa National Capital Region.

Binigyang-diin ng senador na patunay ito ng commitment ng konseho para makahanap ng mga bagong pamamaraan upang mapagaan ang hirap ng mga commuters at maisaayos ang overall transportation efficiency.

Naniniwala si Tolentino na sa pamamagitan ng pagsasaayos ng working schedule ng mga empleyado ng gobyerno at ng pribadong sektor ay mababawasan ang problema sa traffic congestion tuwing peak hours.

Mas makabubuti anya kung magmula na rin sa mismong Pangulo ang kautusan para sa maayos na working hours ng lahat ng tanggapn ng gobyerno.

Ang ganitong hakbangin aniya ay tamang direksyon para gawing commuter-friendly ang Metro Manila.

About The Author