dzme1530.ph

Availability ng mga murang gamot, pinatitiyak sa PhilHealth

Pinatitiyak ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go sa Department of Health at PhilHealth ang availability at affordability ng mga essential medicines para sa mga Pilipino.

Kasabay nito, nagpahayag ng suporta si Go sa iba’t ibang programa ng PhilHealth kasama na ang Konsulta program para sa paglalapit ng serbisyo medikal sa taumbayan.

Ipinaalala pa ni Go ang Executive Order No. 104 na inisyu ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayong itakda ang maximum drug retail prices sa mahigit 100 essential drugs at medicines.

Sinabi naman ni PhilHealth Chief Emmanuel Ledesma na kasama na Konsulta package ang mga gamot para sa primary care.

Saklaw ng Konsulta package ang hypertension at diabetes kasama rin ang ilang antibiotics.

Sinabii naman ni Go na kailangang lawakan ng Philhealth ang kanilamg information dissemination kaugnay sa kanilang mga programa upang mas marami ang makaalam at maka-avail.

About The Author