Positibo kay House Speaker Martin Romualdez ang nakatakdang trilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., US President Joe Biden, at Japan Prime Minister Fumio Kishida sa April 11, US time.
Sigurado si Romualdez na magbubunga ito ng napakalaking economic benefits sa bansa at sa mamamayang Pilipino, peace and stability sa Indo-Pacific region, at paglawak ng kooperasyon sa iba’y ibang mutual interest ng tatlong bansa.
Sentro ng trilateral meeting na ito ang pagpapalakas sa trade, investment, at development opportunities kung saan ang Pilipinas ay may malalim na kooperasyon sa Japan at America.
Bilang mga bansa na may strategic interest sa Indo-Pacific, mahalaga ayon kay Romualdez ang kolaborasyon para ma-address ang “common challenges at advancing mutual interest.”
Sinabi pa nito na sa mga nagdaang engagement ni PBBM kay Pres. Biden at PM Kishida, iginiit ng ating Pangulo ang pagkilala sa principle of freedom, democracy at rule of law, at ang pinaninindigan nitong “A friend to all and enemy to none.”
Umasa rin ang presidential cousin na mapag-uusapan din ng tatlong lider ang isyu sa Climate Change lalo pa at ang Pilipinas ay kabilang sa vulnerable nation.