dzme1530.ph

Libo-libong mga Muslim, nagtitipon-tipon sa Blue Mosque sa Taguig para sa Eid’l Fitr

Nagtipon-tipon ang libo-libong Muslim leaders at community members sa Blue Mosque sa Brgy. Maharlika sa Taguig City para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Pansamantala munang isinara sa mga motorista ang Mindanao Avenue sa kanto ng Jolo Street upang bigyan-daan ang special prayer.

Ayon kay Abdul Manan, officer ng Blue Mosque, nasa 10,000 o higit pa na mga kapatid na Muslim ang inaasahang nagtungo sa Blue Mosque para makiisa sa pagdarasal.

6:45 ng umaga kanina nagsimula ang pagsamba, na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan, kung saan sila ay nagyakapan, nagbatian at nagpatawad sa bawat isa, at senyales na rin ito na puwede na silang kumain.

Ayon kay Manan ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng mga Muslim ng tatlong araw matapos ang isang buwan ng fasting o pag-aayuno.

About The Author