dzme1530.ph

POGO operation sa bansa kailangan nang i-ban —senador

Muling binigyang-diin ng ilang senador ang pangagailangan na tuluyan nang iban sa bansa ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Kasabay nito, pinuri nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senador Win Gatchalian ang aksyon ng administrasyon na i-freeze ang assets ng ni-raid na POGO firm sa Tarlac.

Sinabi ni Villanueva na ang aksyon ng gobyerno ay malinaw na mensahe na kailangan na ng seryosong hakbangin upang masawata anng iligal na operasyon ng POGO sa bansa.

Muling iginiit ni Villanueva na anumang nakukuha ng gobyerno sa operasyon ng POGO ay hindi sasapat para tumbasan ang dulot nitong pinsala dahil sa mga krimen, katiwalian at pagkasira ng mga pamilya hinggil dito.

Mula anya Enero hanggang Hunyo noong 2023, nasa 4,039 ang biktima ng POGO-related crimes na kinabbilangan ng human trafficking at sex-related crimes.

Sapat na anyang dahilan ito upang itigil na ang POGO operations at suriing muli ang polisiya ng gobyerno sa gambling, partikular ang online gambling.

Kinatigan ito ni Gatchalian kasabay ng pahayag na ang presensya ng POGO sa bansa ay maituturing na self-inflicted wound na nagdadala ng kahihiyan sa Pilipinas bukod pa sa matinding problema at gastos sa pagpapdeport sa mga foreign criminals at unwanted workers.

About The Author