Nakikiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paggunita ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng buwan ng Ramadan ng mga Muslim.
Sa kaniyang mensahe, inihayag ng Pangulo na ang araw na ito ay hindi lamang nagmarka ng pagtatapos ng Ramadan kundi magbibigay-daan din ito sa isang mas disiplinado at mapagpalang buhay.
Kaugnay dito, umaasa si Marcos na ang Mga muslim ay magiging halimbawa sa pagpapakumbaba, kapayapaan, at katatagan sa harap ng mga pagsubok ng buhay.
Naniniwala rin ito na sa kabila ng mga pagkakaiba sa paniniwala at pilosopiya ay mananaig ang pagmamahalan at mananatiling iisa ang mga mithiin para sa pagsulong at pagpapatibay ng bansa.