Biyaheng america si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Miyerkules, Abril 10, para sa pagdalo sa makasaysayang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos, at Japan.
Alas-2:30 ng hapon mamaya inaasahang darating ang Pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City para sa Departure Ceremony.
Sa kauna-unahang trilateral summit na idaraos sa White House sa Washington D.C. USA, makakasama ng Pangulo sina US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Palalakasin ang alyansa ng tatlong bansa gayundin ang ugnayan sa ekonomiya, teknolohiya, at climate change cooperation, habang ilalabas din ang joint vision statement para sa cooperation areas and projects.
Isusulong din ang seguridad at kaayusan sa Indo-Pacific region, at inaasahang tatalakayin din ang lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.
Samantala, sasabak din ang pangulo sa bukod na bilateral meeting kay President Biden.