dzme1530.ph

Sinasabing kulto sa Socorro, Surigao Del Norte, inaasahang mabubuwag na

Tiwala si Sen. Ronald Bato dela Rosa na tuluyan nang mabubuwag ang tinawag nitong kulto na Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) makaraang kanselahin na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kasunduan para sa paggamit ng lupa sa Sitio Kapihan.

Sinabi ni dela Rosa na maganda ang naging hakbang ng DENR upang tuluyan nang mailipat ang mga miyembro ng kulto at maihiwalay sa mga itinuturing nilang lider.

Sinabi naman ni Sen. Cynthia Villar na matagal nang dapat kinansela ang kasunduan sa SBSI ng DENR.

Iginiit ni Villar na kung naging istrikto ang DENR sa pagbabantay sa protected areas at nagpatupad ng episyenteng sistema ay hindi lalala ang problema sa kulto.

Sinabi ng senador na mahalaga ang strict enforcement ng mga kasunduan sa mga protected areas upang mapangalagaan ang integridad ng environmental conservation efforts.

Samantala, kailangan anyang magtulungana ng lahat para makahanap ng lugar para sa relokasyon ng mga biktima upang agad na silang makapagsimula ng maayos na buhay.

About The Author