Naniniwala si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maiiwasan na ang mga insidente sa West Philippine Sea na kagagawan ng China, matapos ang isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, America, Japan, at Australia.
Sa ambush interview sa Bacolod City, inihayag ng Pangulo na kaakibat pa rin nito ang patuloy na pakikipag-usap sa China sa ministerial at subministerial level.
Pinuri naman ng Pangulo ang magandang naging takbo ng joint activity kung saan naging pamilyar ang Navy ng isa’t isa sa kani-kanilang mga operasyon.
Sinabi rin ni Marcos na normal lamang ang reaksyon ng China na pagsasagawa ng sariling combat patrols sa South China Sea kasabay ng PH-US-Japan-Australia joint maritime activity.