Naniniwala si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na mas makabubuting isantabi na lamang ang ideya ng Charter change kung hindi naman ito aaprubahan ng taumbayan.
Ito ay kasunod ng resulta ng Pulse Asia Survey na 88% ng mga Pilipino ay tutol na amyendahan ang Konstitusyon.
Ipinaliwanag ni dela Rosa na kung gagastos ng gobyerno ng milyon para sa plebesito subalit hindi naman papasa ang cha-cha ay mas mainam na hindi na lamang ito ituloy upang hindi masayang ang pera ng gobyerno.
Inamin ni dela Rosa na siya ay pro-economic cha-cha subalit kung hindi naman ito gusto ng taumbayan ay bakit pa mag-aaksaya ng panahon at pera para rito.
Naniniwala naman si dela Rosa na kung ipagpapatuloy ang konsultasyon ng cha-cha sa buong bansa ay may posibilidad na mabago ang opinyon ng mga Pilipino sa economic cha-cha at tumaas ang kumpyansa ng mga tao sa panukala kapag narinig nila ang maitutulong nito sa ating ekonomiya.