Nagbabala si Senate Committee on Agriculture and Food chairperson Cynthia Villar na posibleng tumaas pa ang inflation rate sa mga susunod na buwan dahil sa nararanasang El Niño.
Ito ay kasunod ng pinakahuling inflation rate na umabot sa 3.7%.
Ipinaliwanag ni Villar na kapag magpatuloy ang paglala ng El Niño, kawalan ng suplay ng tubig sa mga dams at problema sa irrigation system, tiyak na mababawasan ang supply ng pagkain na mauuwi sa pagtaas ng inflation rate.
Dahil dito, pinayuhan ni Villar ang lahat na paghandaan ang matinding epektibong ito sa pamamagitan ng paghahanap ng alternative irrigation.
Patuloy din ang paghihikayat ni Villar sa publiko na subukan ang urban gardening upang makatulong na mabawasan ang demand at hindi sumipa ang presyo ng mga gulay sa merkado.
Isa ang urban gardening sa adbokasiya ni Villar upang magkaroon ng sariling supply ng pagkain ang mga kababayan sa siyudad.