dzme1530.ph

DOH, hinimok na regular na maglabas ng advisory kaugnay sa iba’t ibang uri ng sakit sa buong taon

Hinimok ni Sen. Francis Tolentino ang Department of Health (DOH) na magpalabas ng advisories upang gabayan ang publiko sa seasonal illnesses at health issues sa buong taon.

Aminado si Tolentino na nabahala siya sa tumataas na kaso ng tigdas at pertussis na sinamahan pa ng pagdami ng kaso ng rabies infection at iba pang sakit dulot ng pagbabago sa klima, volcanic activity, at problema sa pagkukunan ng inuming tubig.

Iginiit ni Tolentino na dapat palawakin pa ang kaalaman ng taumbayan sa iba’t ibang sakit sa iba’t ibang panahon at mga uri ng bacterial at viral infections.

Sa datos ng DOH, mula Enero hanggang Marso, umabot na sa 1,189 ang tinamaan ng tigdas, 862 ang pertussis kabilang 49 na namatay, at 89 ang rabies.

Binigyang-diin ng DOH na ang tigdas at pertussis ay kasama sa routine immunization’ bilang preventable diseases, subalit nabigo ang gobyerno na ipatupad ang pagbabakuna sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Dahil naman sa dami ng herbal plants sa bansa, muling inirekomenda ni Tolentino ang paggamit nito laban sa tigdas at pertussis, partikular sa mga bata at sanggol.

About The Author