Nagtungo sa Bacolod City si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes, para sa iba’t ibang aktibidad kabilang ang Energization ng Cebu-Negros-Panay 230K backbone project.
Bandang alas-9:30 ng umaga nang dumating ang Pangulo sa Bacolod Substation, district office ng National Grid Corp. of the Philippines, para sa pagsasagawa ng aerial inspection ng CNP-3 transmission line.
Nag-ikot din ito sa Bacolod Substation bago ang Ceremonial na pagpapagana ng Cebu-Negros-Panay 230k backbone project.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng kabuuang P67.98 billion, at magiging malaking tulong ito sa transmission network ng Visayas partikular sa Cebu, Negros Island, at Panay.