Muling nasilayan ang lumang Bayan ng Pantabangan sa Nueva Ecija matapos bumagsak ang lebel ng tubig sa dam.
Sa drone footage, nakunan ang tila maliit na isla sa gitna ng Pantabangan dam, na dating bayan na lumubog noong 1970s para bigyang daan ang konstruksyon ng dam.
Muling nakita ang bakas ng dating Munisipyo at Simbahan sa lumubog na bayan, na nakapukaw sa atensyon ng mga turista at mga residente.
Pinayagan naman ang publiko na kumuha ng mga litrato subalit ipinagbabawal ang paglapit sa lugar para sa kaligtasan ng lahat.
Sa pinakahuling tala, bumagsak sa 174.99 meters ang water level ng dam, na mababa sa normal high water level nito na 221 meters.