dzme1530.ph

Mga empleyado, maaaring umabsent sa trabaho —DOLE

Puwedeng hindi pumasok sa trabaho ang mga empleyado upang maiwasan ang matinding init subalit wala silang matatanggap na bayad, ayon sa Department of Labor and Employment.

Sinabi ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma, na batay sa DOLE Advisory no. 17-2022, mayroong option ang manggagawa na lumiban sa trabaho bunsod ng mga panganib na iniuugnay sa sobrang init ng panahon.

Inihayag ng DOLE na ang empleyado na bigo o tumangging pumasok sa trabaho dahil sa panganib na maaring idulot ng lagay ng panahon, ay ligtas mula sa administrative sanction.

Gayunman, nakasaad sa kaparehong advisory na hindi entitled sa regular pay ang lumiban na empleyado, maliban na lamang kung mayroong favorable company policy, practice, o collective bargaining agreement sa pagbibigay ng suweldo sa naturang araw, o pinapayagan ang empleyado na gamitin ang naipong leave credits.

About The Author