Sumabak ang defense forces ng Pilipinas, Australia, Japan, at America sa kauna-unahang Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa West Philippine Sea upang pagtibayin ang kanilang commitment na palakasin ang Regional at International Cooperation.
Ayon sa AFP, ang MMCA ay nilahukan ng Australian Defense Force, Japan Self-Defense Forces, at United States Indo-Pacific Command.
Nagsagawa ang Naval at Air Forces ng apat na bansa ng communication exercises at division tactics.
Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ang BRP Gregorio Del Pilar kasama ang AW109 helicopter, BRP Antonio Luna kasama ang AW159 Wildcat ASW Helicopter, at BRP Valentin Diaz mula sa Philippine Navy.