dzme1530.ph

Matatag na suplay ng isda sa kabila ng import ban, tiniyak ng DA

Siniguro ng Dept. of Agriculture (DA) na hindi maka-aapekto sa lokal na suplay ng isda at canned fish industry ang pagbabawal sa pag-aangkat ng ilang uri ng isda gaya ng mackerel, galunggong, at tulingan.

Paliwanang ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., napapanahon ang suspensyon ng import clearances dahil open fishing ngayon at may sapat na suplay ng isda sa mga palengke.

Noong April 1, naglabas ng Memorandum Order 14 ang DA, na nagsususpinde sa Sanitary and Phytosanitary Import Clearances ng tatlo na pelagic species upang maiwasang mapunta ito sa wet markets.

Ginawa ni Tiu Laurel Jr. ang kautusan matapos makatanggap ng ulat na ibinebenta sa mga palengke ang isandaang tonelada ng imported na galunggong, tulingan, at mackerel para maka-iwas sa value-added tax (VAT).

About The Author