dzme1530.ph

PBBM, naglabas ng EO para sa pag-adopt sa DICT-National Cybersecurity Plan 2023-2028

Inadopt ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Cybersecurity Plan 2023-2028 ng Dep’t of Information and Communications Technology.

Sa inilabas na Executive Order no. 58, inadopt ang NCSP bilang whole-of-nation roadmap para sa development at strategic direction ng cybersecurity ng bansa.

Iginiit ng Pangulo na ang pagpapalakas ng Cyberspace ay isa sa mga susi sa pagtitiyak ng kaligtasan at seguridad sa cyber at physical spaces, sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

Kaugnay dito, inatasan ang lahat ng kaukulang ahensya at mga lokal na pamahalaan na suportahan ang implementasyon ng cybersecurity plan.

Pinabubuo rin ng system ang DICT para sa epektibong pagpapatupad at monitoring ng NCSP, kaakibat ng pagpapaabot ng technical assistance sa iba pang ahensya katuwang ang pribadong sektor.

About The Author