dzme1530.ph

BFAR, nilinaw na walang fish kill sa Pangasinan

Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang fish kill sa Pangasinan.

Sa latest monitoring result ng ahensya sa aquaculture sa Ilocos Region, wala itong nakita na indikasyon na mayroong namamatay na mga isda.

Dahil dito, umapela ang Regional Office sa nasabing lugar sa mga miyembro ng media na maging responsable sa pag-uulat, dahil ma-aapektuhan nito ang fish production industry, na mahalaga para sa food security ng bansa.

Nabatid na nakapanayam sa isang local radio station si Ronald Eugenio, Operator ng Provincial Aquaculture Industry Operation sa Pangasinan, kung saan tinukoy nito ang posibleng epekto ng El Niño phenomenon sa mga fish grower.

About The Author