dzme1530.ph

95% sufficiency sa bigas sa 2028, posible —PhilRice

Kayang maabot ng bansa ang 95% rice sufficiency pagsapit ng 2028, ayon sa Philippine Rice Research Institute(PhilRice).

Sinabi ni ni PhilRice Deputy Executive Director for Special Concerns Flordeliza Bordey na ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng hybrid at inbred varieties ng palay.

Ani Bodey, suportado nila ang pahayag ni National Irrigation Administration Head Eduardo Guillen na posibleng matamo ng Pilipinas ang sufficiency sa bigas sa 2028, dahil inaasahan na tataas ang produksyon ng palay sa kabila ng El Niño phenomenon.

Magbibigay aniya kasi ang PhilRice ng mga binhi at teknolohiya sa mga magsasaka, maging ang Dept. of Agriculture sa pamamagitan ng national rice program nito.

Aabot sa halos 30% hanggang 40% ng major rice-producing areas ang mapapamahagian ng hybrid seeds at 60% naman para sa inbred seeds.

About The Author