Umabot na sa mahigit 50,000 katao ang lumikas mula sa Port-au-Prince sa loob ng tatlong linggo noong Marso, kasunod ng pagsiklab ng gang violence na yumanig sa kabisera ng Haiti.
Ayon sa United Nations International Organization for Migration (IOM), sa pagitan ng March 8 hanggang March 27, sumampa sa 53,125 ang bilang ng mga taong umalis sa lungsod, para dumagdag sa 116,000 na mga indibidwal na nauna nang lumikas sa mga nakalipas na buwan.
Sinabi ng IOM na karamihan sa mga umalis ng Port-au-Prince dahil sa “violence and insecurity” noong nakaraang buwan ay nagtungo sa katimugang bahagi ng bansa.
Sumiklab ang karahasan sa Haiti noong Pebrero nang magsanib-pwersa ang mga makapangyarihang criminal gangs para salakayin ang mga police stations, kulungan, airport at seaport.