dzme1530.ph

Flexible working arrangement sa mga korte, pinayagan ng Korte Suprema

Pinayagan ng Korte Suprema ang mga trial court judge at personnel sa buong bansa na mag-adopt sa flexible working arrangement sa gitna ng mapanganib na heat index.

Simula ngayong Biyernes, April 5 hanggang May 31, ang working hours at court operations ay 7:30 a.m. hanggang 4:00 p.m., batay sa circular na inilabas ni Court Administrator Raul Villanueva na binigyang otoridad ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ang pasok naman sa trial courts kapag Sabado ay mula ala-7:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Applicable din ito kapag araw ng Linggo, official holidays at mga espesyal na araw kapag mayroong kailangang isilbing warrant.

Ayon sa Supreme Court, ang naturang hakbang ay upang maiwasan ang kumplikasyon sa kalusugan na maaring idulot ng matinding init ng panahon.

About The Author