Umabot na sa halos 20 lokal na pamahalaan ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Kabilang dito ang ilang lugar sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, Romblon, Ifugao, Antique, at Zamboanga City.
Ayon kay El Niño Task Force Spokesperson Joey Villarama, nagpaplano na rin ang iba pang bayan o lalawigan na magdeklara ng state of calamity, subalit kailangan aniya na pasok ito sa batayan.
Sa ngayon, nasa ₱ 2.63-B na ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng El Niño phenomenon.