dzme1530.ph

600 inmates sa Metro Manila, tinubuan ng galis at pigsa dahil sa sobrang init

Nasa 600 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa iba’t ibang kulungan sa Metro Manila ang iniulat na tinubuan ng mga sakit sa balat, gaya ng galis at pigsa, dahil sa matinding init ng panahon.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Ruel Rivera, dapat agad na matugununan ang health issue sa mga siksikang kulungan sa bansa.

Nakipag-ugnayan na ang BJMP sa Department of Health at kumuha ng mga karagdagang doktor upang masolusyunan ang problema.

Idinagdag ni Rivera na mayroon ding jail nurses on duty para tumugon sa concerns ng mga inmate sa buong araw.

Bukod sa pigsa at galis, mayroon na ring mga tinamaan ng sore eyes dahil sa sobrang init.

About The Author