dzme1530.ph

Amnesty Program para sa communist rebels, ipinaaapura na ng Pangulo

Ipinamamadali na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang implementasyon ng amnesty program para sa mga nalalabing miyembro ng CCP-NPA-NDF.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni National Security Adviser Eduardo Año na binigyan na ng go signal ng Pangulo ang pagsasa-pinal ng Implementing Rules and Regulations ng Proclamation No. 404 na nagbibigay ng amnestiya sa mga rebelde.

Kaugnay dito, inatasan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na ipatupad na ang amnesty program gayong sinang-ayunan naman na ito ng Kongreso.

Sa ngayon ay mayroon umanong inisyal na 1,500 mga rebelde ang nagpahiwatig ng intensyong mag-apply para sa amnestiya, at inaasahang madaragdagan pa ito.

sinabi naman ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Sec. Carlito Galvez Jr. na pino-proseso na ng 17 local amnesty boards ng National Amnesty Commission sa iba’t ibang rehiyon ang amnesty applications.

About The Author